Signal No. 3 nakataas sa 6 na lugar sa Bicol; 'storm surge' posible dahil sa Typhoon Tisoy
MANILA, Philippines — Patuloy na nagdudulot ng pinsala ang bagyong "Tisoy" bago ito tuluyang sumalpok sa kalupaan ng Bikol ngayong gabi o bukas ng umaga, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.
Kaninang alas-diyes ng umaga, natagpuan ito 235 kilometro silangan timogsilangan ng Virac, Catanduanes.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot ng hanggang 150 kilometro kada oras at bugsong papalo ng hanggang 185 kilometro kada oras.
Kasalukuyan itong gumagalaw pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
"Between mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw, ito nga ay inaasahan nating mag-landfall, between nga dito sa Sorsogon, Albay area or dito sa may Catanduanes areas," ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario.
Samantala, nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- timog bahagi ng Camarines Norte (Daet, San Vincente, San Lorenzon Ruiz, Basud at Mercedes)
- Burias Islands
Inanunsyo naman ang Signal No. 2 sa:
- Metro Manila
- Bulacan
- Bataan
- Pampanga
- silangang bahagi ng Nueva Ecija (Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Antonio, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Tinio, Palayan, San Leonardo, Cabiao, San Isidro, Gapan, Peñaranda)
- katimugang Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
- Cavite
- Batangas
- Laguna
- Rizal
- Quezon kasama ang Polillo Islands
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Marinduque
- nalalabing bahagi ng Camarines Norte
- Masbate kasama ang Ticao Island
Signal No. 1 naman sa:
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Quirino
- nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Calamian Islands
- Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Lunes, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin
- Aklan
- Capiz
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- Leyte
- Southern Leyte
- hilagang bahagi ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Mrcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay Cit, Toboso, Valladolid at Victorias City)
- Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remegio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon, Asturias at Camotes Islands)
- Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela at Danao City)
- Dinagat Islands
- Siargao Islands
Hanggang ngayong hapon, mararanasan ang minsanang malalakas na pag-ulan sa :
- Bicol
- mga probinsya ng Samar
- Biliran
Sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa:
- Northern Cebu
- Northern Negros Island
- Dinagat Islands
- Siargao Island
- nalalabing bahagi ng Visayas
Publiko pinag-iingat sa 'daluyong'
Samantala, binabantayan naman ang ilang lugar dahil sa mataas na posibilidad ng daluyong, o storm surge, sa susunod na 24 oras.
Dahil dito, inaasahan ang mahigit tatlong metrong taas ng alon sa:
- Camarines Norte (Mercedes at Mandao)
- Camarines Sur (Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac at Sipocot)
- Catanduanes (Bagamanoc, Baras, Bato, Viga, Panganiban at Gigmoto)
Sa mga nasabing lugar, sinasabing "catastrophic" at mapanganib sa buhay ang mga daluyong. Maaari itong magdulot ng matinding pinsala sa mga komunidad at coastal marine infrastructure.
Patitindihin din ng storm surge ang pagbaha sa mga ilog kung kaya't nagpapatupad na ng pagpapalikas sa mga low-lying coastal communities.
Ipinatitigil na rin ang lahat ng marine activities sa mga nabanggit na lugar.
Tinataya namang 2.1 hanggang tatlong metro ang daluyong sa:
- Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay at Daet)
- Camarines Sur (Siruma, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Sipocot)
- Catanduanes (San Andres, Virac, Caramoan at Pandan)
- Quezon (Mauban, Atimonan, Plaridel, Gumaca, Alabat, Perez, Quezon, Lopez at Calauag)
Matinding pinsala rin ang maaaring matamasa ng mga nasabing komunidad, maliban sa signipikanteng erosion sa mga baybaying dagat.
Sinasabing aabot naman ang isa hanggang dalawang metrong daluyong sa:
- Samar (Gandara, Pagsanghan, Tarangnan, Catbalogan, Zumarraga at Daram)
- Latest