2020 ipinadedeklarang ‘Disaster, Climate Emergency Consciousness Year’

MANILA, Philippines — Inihain ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Kamara ang kanyang House Resolution 535 na humihiling na ideklara ang 2020 bilang ‘Disaster and Climate Emergency Awareness Year.’

Isa anya itong panawagan para sa patuloy at lalong pinaigting na pagpukaw sa kamalayan ng bansa sa banta ng lalong lumalakas na mga bagyo dulot ng ‘climate change.’

Ayon kay Salceda, sobra na ang paghihirap ng Pilipinas sa pananalasa ng mga kalamidad kaya kailangan na nito ang “whole-of-government and whole-of-nation policy response” sa mga ito.

Pinuna ni Salceda, chairman ngayon ng House Ways and Means Committee, na sobrang pananalanta na ang tinamo ng Pilipinas sa mapaminsalang mga nakaraang bagyo.

Kasama ang mga Bagyong Reming noong 2006, Ondoy at Peping noong 2009, Yolanda noong 2013 na nag-iwan ng mahigit 6,000 patay, Pablo at Sendong na nanalasa sa Mindanao; at Urduja, Vinta, Rosita at Usman noong 2017-2018; at ang El Ni?o at mga sunog sa kabundukan na likha nito noong 2015-2016 na lumusaw sa bilyong pisong halaga ng yaman sa agrikultura.

Show comments