Pagmamahal ni Bonifacio sa bayan tularan – Duterte

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Filipino na tularan ang ipinakitang pagmamahal ni Andres Bonifacio sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe kahapon para sa ika-156 taon paggunita ng kaarawan ni Bonifacio, sinabi ni Duterte na ang kaarawan ni Bonifacio ay isang mahalagang okas­yon upang alalahanin ang ginawa nitong paggising sa mga Filipino upang ipaglaban ang kalayaan ng buong bansa.

Si Bonifacio rin aniya na itinuturing na Ama ng Katipunan ang nagturo sa mga Filipino na manindigan laban sa mga nang-aapi.

Dagdag din ng Pa­ngulo na hanggang sa ngayon ay isang hamon para sa lahat na ipagpatuloy ang rebulosyon ni Bonifacio para mapalaya ang bayan sa korupsiyon, kriminalidad, terorismo, ­ilegal na droga, at iba pang sakit ng lipunan.

Kahit aniya sa kamatayan ay nagpatuloy pa rin ang sakripisyo ni Bonifacio kaya nagkaroon ng pagbabago at umangat ang bansa.

Hinikayat naman ni Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo ang publiko gawing ­inspirasyon ang buhay ni Bonifacio.

Sabi ni Panelo, ang pagkakakilanlan ng mga Filipino ay nag-ugat sa rebolusyon na sinimulan ni Bonifacio.

Show comments