Term-sharing sa Speaker usapang lalaki - Duterte
MANILA,Philippines — Usapang lalaki ang term-sharing agreement at inaasahan ni Pangulong Duterte na masusunod ito.
Ayon sa Pangulo, ang term-sharing agreement ay nabuo sa pagitan nila ni Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
“Iyon ang usapan. That was an agreement-a solemn agreement between the three of us. If you want to have the vernacular term, usapang lalaki yon,” giit ng Pangulo.
“Ngayon, if anyone of them would not honor it, be it Lord Velasco or si Peter Cayetano that is --- that would be his decision,” paliwanag niya.
Sa ilalim ng term-sharing ay unang mauupo na speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan habang si Velasco sa susunod na 21 buwan.
Nauna rito, inihayag ng Pangulo na aayusin niya ang magiging problema sa hatian sa speakership sa tamang oras.
Ito ay matapos ilutang ng ilang kaalyado ni Cayetano na dapat ito na lamang ang manatiling speaker ng Kamara.
- Latest