MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Iloilo Regional Trial Court ang expropriation proceedings na isinampa ng MORE Electric and Power Corporation sa isang panukalang kunin ang mga pasilidad ng Panay Electric Company (PECO).
Dumating ang suspension order sa gitna ng kabiguan ng MORE na makakuha ng Temporary Restraining Order mula sa Supreme Court laban sa mga naunang resolusyon ng Mandaluyong RTC na nagdedeklara na ang expropriation at pag-takeover ng MORE sa electric distribution assets ng PECO ay unconstitutional.
Ibinasura rin ni Presiding Judge Daniel Antonio Gerardo Amular ang motion to inhibit mismo na isinampa ng MORE.
Una nang naglabas ng writ of possession si RTC-Ilolio presiding Judge Yvette Go, pabor sa MORE, ilang araw bago mag-isyu ang Mandaluyong Court ng kautusan.
Si Judge Go, kasama ang MORE, ay inatasan ng SC na magprisinta ng ebidensya kung bakit hindi sila dapat makasuhan ng contempt sa pagpapatuloy ng kaso.