MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Duterte na hindi na niya kailangang magpalabas pa ng isang executive order laban sa paggamit ng vape o e-cigarettes sa pampublikong lugar.
Sinabi ng Pangulo na ang e-cigarettes ay sakop na ng batas na nagre-regulate sa paggamit ng mga produktong may nicotine.
“I do not have to issue an executive order. Pagkab*b* nitong mga g*g* na ito na meron nang law about nicotine,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Maasin, Sarangani.
“If you use vaping in public, there is nicotine. And so with other chemical combustion there, you are already violating the law in vaping because it contains nicotine,” dagdag niya na tila pinapatungkulan ang Tobacco Regulation Act of 2003 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Paliwanag pa ng Pangulo na ipinag-utos niya ang pagkumpiska sa mga e-cigarettes dahil labag din ito sa Consumers Protection Act.
Ipinaalala rin ng Pangulo na dati siyang prosecutor at alam niya ang batas tungkol sa nicotine.
“Remember I was a prosecutor for many years. Kung hindi ba tanga, yang mga buang, p***** i**** „yan. You know, nicotine is prohibited. You cannot use nicotine here. I will arrest you. There?s a law. It?s based on the national law and the pollution and everything,” sabi ng Pangulo.
Ayon pa kay Duterte, sinabi mismo ng health department na nakakasama sa kalusugan ang e-cigarettes kaya susundin niya ito.