Vape inventor nais patayin ni Digong

Inimbento ni Hon Lik na isang pharmacist, ang e-cigarette matapos mamatay ang kanyang ama sa lung cancer dahil sa pagiging gumon sa sigarilyo.
AFP/Eva Hambach/ File

MANILA, Philippines — Gustong ipahanap ni Pangulong Duterte ang nag-imbento ng vape at electronic cigarette upang ipapatay niya ito.

“Sino ba ang demonyong nag-imbento ng vaping na ‘yan? Pina­pahanap ko nga. Ipa-extra judicial killing ko ‘yan,” biro ng Pangulo sa mensahe nito sa elderly Filipinos sa Taguig City kamakalawa.

Isang Chinese national na si Hon Lik ang nakaimbento ng e-cigarette at nasa market na ito noon pang 2003.

Inimbento ni Hon Lik na isang pharmacist, ang e-cigarette matapos mamatay ang kanyang ama sa lung cancer dahil sa pagiging gumon sa sigarilyo.

Magugunita na kamakailan ay iniutos ni Pangulong Duterte sa pulisya na hulihin ang sinumang gagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Ipinagbabawal na rin ng Pangulo ang importasyon at paggamit ng vaping device.

Pero dahil sa kawalan ng basehan na batas, sinabi ng PNP na huhulihin nila ang gagamit ng vape sa public places pero hindi ikukulong kundi bibigyan lamang ng warning at ipapa-blotter.

“Wala namang detention or jail time, kaagad naman na sila ay palalayain. Ito ay magsisilbi lamang na babala sa lahat ng mga vape users na ilagay sa tamang lugar ang paggamit nito na hindi nakakaabala sa ating mga kababayan,” ayon sa pulisya.   

Show comments