^

Bansa

Drilon tameme kay Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natameme si Sen. Franklin Drilon nang sagutin punto por punto ni Sen. Bong Go ang mga katanu­ngan nito hinggil sa proposed budget ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2020.

Ayon kay Sen. Go, chairman ng Senate committee on sports, personal niyang ni-review at binusisi ang hinihinging budget ng PSC sa susunod na taon.

“Wala akong nakikitang problema sa budget ng PSC dahil igugugol yan sa training ng mga atleta natin para matiyak na makakakuha tayo ng medalya sa mga international competition, hindi tulad ng nagdaang administrasyon,” ayon kay Go.

Aniya, hindi malulustay ang pondo dahil siya mismo ang magbabantay at sisita sa PSC kapag may nakita na hindi maganda.

Pangamba ni Drilon na baka mapunta lang sa bulsa ang budget ng PSC tulad ng pinipilit ng overprice umano ang Sea Games Cauldron na nagkakahalaga ng P55 milyon.

Tiniyak ni Go sa kanyang mga kasama sa Senado na kapag may anomalya sa budget na ibibigay sa PSC o may bahid ito kahit na konting korapsiyon ay magpapatawag agad siya ng imbestigasyon.

Sa huli ay sinuportahan na rin ng kanyang mga kasamahan partikular na ang oposisyon ang hinihinging pondo ng PSC.

“Para sa mga atleta natin ito na sa ngayon ay kulang sa training at gamit na nagsusumikap na bigyan ng karangalan ang bansa kahit salat sila ng suporta ng gobyerno,” pahayag pa ni Sen. Go.

 

DRILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with