^

Bansa

Vape ban utos ni Duterte

Joy Cantos, Doris Franche, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Vape ban utos ni Duterte
“I will ban it, the use and the importation. I hope everybody is listening. You know why? Because it is toxic, and go­vernment has the power to issue measures to protect public health and public interest,” pahayag ng Pangulo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagbawal na ni Pangulong Duterte ang paggamit at pag-import ng vape o electronic cigarettes sa buong bansa.

“I will ban it, the use and the importation. I hope everybody is listening. You know why? Because it is toxic, and go­vernment has the power to issue measures to protect public health and public interest,” pahayag ng Pangulo.

Iniutos din ng Pa­ngulo ang pag-aresto sa mga mahuhuling gumagamit nito sa pampublikong lugar.

Sabi ni Duterte na isang uri ng lason ang nasabing vape at bukod pa rito ay hindi rin umano ito pumapasa sa Food and Drug Administration. 

Matatandaan na ki­numpirma ng Department of Health (DOH) na naitala ang kauna-una­hang kaso ng electronic cigarette or vaping-associated lung injury (EVALI) na kinasangkutan ng isang 16-anyos na babae mula sa Central Visayas.

Kasabay nito, inutos na ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang nationwide crackdown sa mga magbi-vape sa mga pampublikong lugar. 

“Wala namang kulong, ipapa-blotter lang at kukumpiskahin ang items,” sabi ni Gamboa.

Una nang nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order (EO) 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong mga lugar sa bansa.

Isa pang EO ang nakatakdang ilabas para naman sa pagba-ban ng vape.

Kung may local ordinance patungkol sa vape ang isang lugar, mapapatawan pa ng karagdagang multa at parusa ang lalabag, ayon pa sa PNP. 

Batay sa ilang pag-aaral, mas may masamang epekto ang paggamit ng vape kumpara sa sigarilyo.

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with