12 dahilan kung bakit winner ka sa Motortrade
MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, hindi lang sa Metro Manila palala nang palala ang traffic kundi pati na rin sa ibang mga pangunahing siyudad sa bansa. Lubhang abala ito sa mga commuters araw-araw, lalo na sa mga umaasa sa public transportation.
Para maging mas maginhawa ang pansariling mobility araw-araw, marami sa atin ang mas pinipili nang sumakay ng motorsiklo.
Dahil compact, mas nakakalusot ang motorsiklo sa traffic congestion. Mas matulin nitong nababaybay ang daan, kaya mas madaling matantiya ang iyong travel time. Maliban sa reliable at low maintenance ang motor, mas abot-kaya rin ito pagdating sa purchase at running cost. At dahil mas matipid ito sa gasolina kumpara sa kotse, mababa rin ang naidudulot nitong carbon footprint.
Madali na ngayong bumili ng motor. Halos kahit saan ay may motorcycle dealership, pero sa mas nakararami, Motortrade pa rin ang una nilang pinupuntahan. Narito ang 12 dahilan kung bakit Motortrade ang first choice ng mga mamimili:
1. Competitive pricing
Ang pangunahing isinasaalang-alang ng isang motorcycle buyer ay ang budget. Bakit ka nga naman magbabayad ng mas mahal sa ibang dealership kung mas abot-kaya sa Motortrade ang unit na hinahanap?
2. Easy, flexible loan requirements
Mas maluwag ang motorcycle purchase kapag ito ay sa pamamagitan ng installment. Kaunting dokumento lang ang kailangan at pwede nang mag-apply ng motorcycle loan. Hindi na rin kailangan ng co-maker!
3. Same-day approval
Kasimbilis ng motor na bibilhin mo ang loan approval. I-submit lang nang maaga ang requirements at maaari mo nang sakyan pauwi ang iyong dream bike bago matapos ang araw.
4. Flexible contract
Pwedeng-pwedeng ibagay ang payment scheme ayon sa personal na kapasidad pampinansiya. Kung nais ng mabilis na bayaran ay mayroong 6-month term. Pero kung mas pabor sa’yo ang mababang periodic installment, pwedeng pahabain ng hanggang 36 na buwan.
5. Exclusive promos
May mga ongoing na promo ang Motortrade para sa mga nais bumili gaya ng libreng helmet o ng iba pang item. May mga bukod pang promos para sa mga second-hand units.
6. ‘Ride Safely’ program
Mahalaga ang kaligtasan sa daan. Kaya naman ang Motortrade ang unang multi-brand motorcycle dealer sa bansa na nag-aalok sa mababang halaga ng safety riding classes sa mga customers sa mahigit 200 locations.
7. Affordable accident insurance
Protektado hindi lang ang motor, pati na rin ang rider. Sa Motortrade, ang bike ay may repair benefit na aabot hanggang P10,000, habang ang rider naman ay may P50,000 personal accident benefit. Ito ay bunga ng partnership ng Motortrade and Pioneer Insurance.
8. Customer service
Bilang patotoo sa slogan nitong “Motorsiklo Sigurado, Alaga Ka Dito,” mas lalong pinag-iigihan ng Motortrade ang kanilang serbisyo upang masigurado ang customer satisfaction.
9. Discounted parts and service
May automatic discount ang customer kada magpapa-service.
10. Trained and certified mechanics
Kung araw-araw na gamit ang motor, huwag na huwag isusugal ang maintenance at service nito sa mga hindi kilalang shops. Sa Motortrade dealerships, makasisigurong factory-trained ang mga technician na titingin sa iyong sasakyan.
11. Original parts and accessories
Ang motorsiklo ay binubuo ng marami at iba-ibang pyesa. Para sa mahusay at swabeng operasyon nito, dapat ay nakakatitiyak sa kalidad ng mga piyesang ginagamit. Umiwas sa peke para makaiwas din sa abala, at lalung-lalo na sa aksidente.
12. Digital marketing support
Kapag busy pa at walang oras makapunta sa store o showroom, maaaring mag-log on sa www.motortrade.com.ph kung nais mas maging pamilyar sa napiling motorsiklo. Sa ganitong paraan, para ka na ring bumisita sa isang virtual showroom. Bisitahin na rin ang Motortrade sa https://www.facebook.com/MotortradePh para sa pinabagong updates.
- Latest