P50 milyong 'kalderong' sisindihan sa 2019 SEA Games kinwestyon ni Drilon
MANILA, Philippines — Binanatan ng isang senador ang plano ng gobyerno na gumastos ng milyun-milyon para sa gagamiting "cauldron" na sisindihan para sa seremonyas ng 2019 Southeast Asian Games sa Clark, Pampanga.
Lunes nang batikusin ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon habang nasa deliberasyon ng budget, dahil makapagpapatayo na raw ng 50 classrooms sa parehong halaga.
Drilon says the amount is the cost of constructing 50 school buildings @PhilippineStar
— Paolo S. Romero (@PaoloSRomero) November 18, 2019
"Tama ba na ipagpalit natin ang 50 silid-aralan para gumawa ng P50 milyong 'kaldero' na isang beses lang gagamitin?" sabi ni Drilon sa Inggles.
"Wasto ba 'yan? Tama ba? Balido?"
Sa isang kolum ng The STAR ngayong araw, sinabi na nagkakahalaga ng P4,400,000 ang disenyo ng kaldero, habang aabot naman sa P13,440,000 naman ang pagpapatayo ng pundasyon nito.
Tinataya naman daw na P32 milyon ang pisikal na pagpapatayo at paglalagay mismo ng cauldron.
Dahil may P6-milyong item pa raw para sa "wrist tags" ng sublist na iyon, papatak daw ng P55,920,000 ang kabuuang gastusin sa nasabing cauldron.
Hindi tuloy naiwasng hirangin ito bilang "pinakamahal na siga" ng sports columnist na si Bill Velasco.
Simbolo ng Pilipinas?
Pero depensa ni Bases and Conversion Development Authority president at chief executive officer na si Vivencio "Vince" Dizon, magiging simbolo raw ng Pilipinas ang nasabing cauldron, na itatayo sa bungad ng athletic stadium.
BCDA head Vince Dizon explains thru Sen Angara during budget delibs that the P50M worth of SEAG cauldron was constructed bec it will stand as the symbol of the country during the Sea Games.The cauldron will be placed at the entrance of the athletic stadium"@News5AKSYON @onenewsph
— marie ann los banos (@maeannelosbanos) November 18, 2019
Dagdag ni Dizon, ang Philippine Sports Commission naman daw ang nagpatayo nito.
Bwelta naman ni Sen. Christopher "Bong" Go, gusto lang daw ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang palakasan upang labanan ang iligal na droga sa bansa.
Nagmula ang ideya ng paggamit ng apoy sa mga sports events mula sa sinaunang Griyego, kung saan hinahayaan itong nagliliyab sa kabuuang pagdiriwang ng ancient Olympics. — may mga ulat mula kay The STAR/Paolo Romero at News5
- Latest