^

Bansa

Power firm tuloy ang laban sa prangkisa

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Patuloy na nakikipaglaban ang Panay Electric Company (PECO) dahil nakasalalay umano rito ang kahihinatnan ng 160 power cooperatives sa bansa kapag nakuha umano ng More Power ang prangkisa.

Sinabi ni PECO president Marcelo Cacho na naga­ganap sa kasalukuyan ang sagupaan ng 96-year-old franchise holder PECO at ng bagitong MORE Power, at hindi lang ang kapakanan ng mga taga-Iloilo ang maapektuhan kundi lahat ng power utility sa buong bansa kung mabibigyan ng prangkisa ang More Power.

Nagbabantang samsamin ng MORE ang buong negosyo ng PECO matapos bigyan ito ng Kongreso ng prangkisa pero dumulog sa hukuman ang PECO para mapawalang-bisa ang naturang prangkisa.

Sa kautusan noong Hulyo 2019 ng Mandalu­yong RTC Branch 209, ibinasura ang tangka ng MORE Power na kunin ang buong negosyo at mga ari-arian ng PECO sa pamamagitan ng R.A. 11212, at isinaad na ang ilang probisyon nito ay “walang bisa at labag sa Saligang Batas”.

Sinulat ni RTC Presiding Judge Moqiue A. Qui­sumbing-Ignacio ang kautusan na nagbasura sa pagtatangka ng More na kamkamin ang mga ari-arian ng PECO batay sa mga probisyon ng prangkisa na ibinatay sa “eminent domain.”

PANAY ELECTRIC COMPANY

PECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with