^

Bansa

Kuryente ng Pinas puwedeng i-off ng China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kuryente ng Pinas puwedeng i-off ng China
Sumang-ayon naman si Sen.Panfilo Lacson na nagsabing base sa nakarating sa kanyang ulat, dumating na ang mga kagamitan ng NGCP na puro Chinese characters ang nakasulat at pinapatakbo ng mga Chinese personnel.
STAR/File

MANILA, Philippines – Inilutang kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang posibilidad na puwedeng i-off ng China ang kuryente ng Pilipinas kahit hindi sila magtungo sa bansa.

Sa Senate hearing sa panukalang budget ng Department of National Defense, ipinunto ni Recto ang isyu ng seguridad dahil ilang porsiyento ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay pagmamay-ari na ng China.

Sumang-ayon naman si Sen.Panfilo Lacson na nagsabing base sa nakarating sa kanyang ulat, dumating na ang mga kagamitan ng NGCP na puro Chinese characters ang nakasulat at pinapatakbo ng mga Chinese personnel.

Sinabi ni Recto na ito ang kanyang pinag-aalala dahil hindi naiintindihan ng mga Filipino ang mga nakasulat na Chinese characters.

“That’s the point I was gonna drive at. Right now, yung buong kur­yente ng Pilipinas, ang nagpapatakbo, state grid of China, all the equipment is written in Chinese, hindi naiintindihan ng mag tao natin. They can turn it off remotely. Ang giyera naman na darating ganun na eh,” sabi ni Recto.

Ipinunto rin ni Recto na puwedeng magsabwatan ang mga kompanya ng China na nasa Pilipinas dahil napasok na nila ang kuryente at maging ang Armed For­ces of the Philippines.

Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng memorandum of agreement ang AFP at ang Dito Telecommunity Corp., dating Mislatel para sa pagtatayo ng mga communication towers sa mga kampo ng militar.

 

ELECTRICITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with