MANILA, Philippines – Isinulong ni Act-CIS Rep. Jocelyn Tulfo ang panukalang batas na magpoprotekta sa mga OFWs laban sa pang-aabuso ng kanilang mga employer at mga ahensiya.
Nakasaad din sa House Bill 1540 ni Tulfo ang pagkakaloob ng tulong sa mga OFW sa pamamagitan ng medical at financial assistance program ng DOH at DSWD.
Sa kasalukuyan ay nakapagbigay na sila ng halagang P3 milyon sa pamamagitan ng Guarantee letter at Endorsement letter mula sa DSWD para makabawas sa gastusin ng mga kababayan natin na nangangailangan.
Para lubos na makatulong ay nagpatayo na rin si Tulfo ng Aksyon Center sa kanilang bayan sa Cauayan, Isabela para hindi na sila kailangan pang lumuwas sa Maynila para humingi ng tulong.
Nagsagawa na rin sila ng dalawang araw na Medical Mission sa kanilang Aksyon Center kung saan umabot sa mahigit isang libo ang kanilang natulungan.