^

Bansa

Dela Rosa: 'Anti-drug czar' Robredo mas okey sumama sa raids, kaso delikado

James Relativo - Philstar.com
Dela Rosa: 'Anti-drug czar' Robredo mas okey sumama sa raids, kaso delikado
"Nasa kanya na 'yan kung kakayanin niya na i-risk ang kanyang buhay. Sumama siya," dagdag niya.
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Naniniwala ang isang senador, na dating hepe ng Philippine National Police, na mas maiintindihan ni Bise Presidente Leni Robredo ang kampanya kontra iligal na droga kung sasama siya mismo sa mga raid.

Sa panayam ng ANC "Headstart" Lunes ng umaga, sinabi ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na mas mainam aktwal niya itong maranasan upang maging lapat sa lupa ang kanyang pananaw dito.

"Mas maganda, para makita niya 'yung realities on the ground... Kung namumuno ka sa gera [kontra droga], mahirap 'yung namumuno ka sa loob ng de-erkon na silid," sabi ni Dela Rosa sa magkahalong Inggles at Filipino.

"Kung ikaw ang nagli-lead sa war, kailangan nasa forefront ka ng laban para alam na alam mo 'yung sitwasyon doon."

'Yan ang kanyang sinabi kahit na tumutol na rito si PNP officer-in-charge Archie Francisco Gamboa sa takot na makomprimiso ang operasyon at kaligtasan ng ikalawang pangulo.

Noong batallion commander daw siya noon ng Reactionary Standby Support Force, sinisiguro raw niyang siya ang "number one" o "number two" sa tuwing may lakad sila.

Ito raw ay kanyang ginagawa upang malaman ang sitwasyon ng "playing field" para malaman kung paano niya itatalaga ang kanyang mga tauhan.

"Ako, 'yun ang paningin ko. Kung paano magpatakbo ng gera," sabi niya.

Isa si Dela Rosa sa mga nagpatupad ng madugong gera kontra droga na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kumitil sa buhay ng libu-libong drug users, tulak at inosente sa bansa.

'Nasa kanya na kung kaya niya'

Sa kabila nito, aminado ang dating PNP chief na "unique" ang kasalukuyang posisyon ni Robredo, na bagong talagang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kahit kritiko ng madugong kampanya.

Aniya, may posibilidad daw kasing makompromismo ang kaligtasan ng bise presidente kung gagawin ito, lalo na kung dapuan siya bigla ng bala.

"Nasa kanya na 'yan kung kakayanin niya na i-risk ang kanyang buhay. Sumama siya," dagdag niya.

Sa kabila ng mga batikos laban sa kaliwa't kanang patayan, hiling naman ni Gen. Bato ang pagtatagumpay ni Robredo: "Andito lang ako kung kailangan. Good luck kay Vice President. Umaasa ako at ipagdarasal na mag-succeed ka Ma'am."

Bumwelta naman ang senador sa nauna nang mungkahi ni Robredo na dagdagan ang P15-milyong pondo ng ICAD sa 2020, lalo na para sa rehabilitasyon.

Mas maganda raw na magtrabaho muna siya bago humingi agad ng pera.

Palasyo: 'Tokhang' pwedeng ipahinto

Samantala, ibinahagi naman ng Malacañang na wala silang nakikitang problema kung imungkahi ng ICAD co-chair na tuluyan nang ibasura ang kopntrobersyal na Oplan Tokhang.

Sa isang media briefing nitong Lunes, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na diskarte't nasa kamay na ni VP ang bola ngayong pinagbigyan siya ng pangulo na gumawa ng mga ninanais niyang reporma sa mga operasyon.

"Kung gusto niyang tanggalin iyan (Tokhang), eh siya ang anti-drug czar, kung sa tingin niya meron pang mas effective sa tokhang eh di gawin niya," sabi ni Panelo.

"Basta si VP Leni ang in-charge. Kung ano ang pakiramdam niyang dapat ipatupad, gagawin namin."

Tumutukoy ang tokhang sa pagkatok at pagbabahay-bahay ng mga alagad ng batas upang hikayatin na sumuko ang mga suspek sa iligal na droga.

Kasama sa mga nais ngayon ni Robredo na wala nang mapatay sa giyera ng pamahalaan.

Tinanggap ni Robredo ang posisyon sa layuning makaligtas ng mga inosenteng buhay mula sa pagkakakitil.

ICAD

LENI ROBREDO

RONALD DELA ROSA

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with