MANILA, Philippines – Iminumungkahi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang pagsasailalim sa drug testing ng lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Barzaga na ang drug testing ay para masiguro na lahat ng kongresista ay hindi dependent sa iligal na droga kaya ihahain umano ng kongresista ang isang resolution na humihiling na sumailalim sa random drug testing ang lahat ng miyembro ng House.
Kaugnay nito ay hihilingin ni Barzaga sa Department of Interior and Local Government (DILG) na i-require sa lahat ng gobernador, alkalde hanggang sa barangay na magsagawa ng random drug testing sa ilalim ng superbisyon ng DILG.
Sa pamamagitan umano ng random drug test sa lahat ng opisyal ng gobyerno ay maibabalik ang tiwala ng publiko sa kanila.