^

Bansa

Pambubugbog sa kapwa kadete 5 PNPA cadet ‘iginigisa’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pambubugbog sa kapwa kadete 5 PNPA cadet �iginigisa�
Ayon kay PNPA Spokesman Lt. Col. Byron Allatog, ang limang kadete ay pawang mga upperclassmen ng biktimang si Cadet 4th Class John Desiderio.
KJ Rosales/ File

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Philippine National Police Academy ang limang kadete na sangkot sa pambubugbog sa isang kadete  na naratay sa pagamutan bunga ng pisikal na pang-aabuso.

Ayon kay PNPA Spokesman Lt. Col. Byron Allatog, ang limang kadete  ay pawang mga upperclassmen ng biktimang si Cadet 4th  Class John Desiderio.

Ang nasabing mga kadete ay isinailalim sa ‘isolation’ habang iniimbestigahan at pinagpapaliwanag sa loob ng 24 oras bago sampahan ng kasong administratibo.

Sinabi ni Allatog na kinausap na ng mga ope­ratiba ng Silang Police si Desiderio kaugnay ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga akusado sa paglabag sa anti-hazing law.

Si Desiderio ay isinugod sa PNP General Hospital noong Oktubre 29 matapos na dumaing ng matinding pananakit ng kaniyang tiyan bago ito inilipat sa East Avenue Medical Center.

Si Desiderio ay nasa mabuti ng kondisyon at nakalabas na sa pagamutan.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with