Nagkaka-HIV pabata nang pabata
MANILA, Philippines — Pabata nang pabata ang mga nagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) dahil sa paid sex.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakasaad sa HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP) na nasa edad 15 ang mga nagpopositibo sa HIV noong Hulyo 2019.
Umaabot naman sa 134 ang pakikipagtalik ng may bayad o ‘transactional sex’.
Nasa 94 porsiyento ng 126 na nakikipag-transactional sex ay lalaki na nasa edad 15-58.
Naitala din na 46 lalaki at 7 babae ang tumatanggap ng transactional sex.
Naniniwala ang HARP na bunsod ito ng impluwensiya ng internet kung saan nag-aalok ng ‘sex for sale’.
Naalarma rin ang HARP na may ilang kabataan na nasa edad 11 ang nakikipagtalik na nasa panganib na magka-HIV.
Tinatayang nasa 930 na simula pa noong Enero ang nagpositibo sa HIV.
Nasa 6,997 ang mga nagpositibo sa HIV simula Disyembre 2012 hanggang Hulyo 2019.
- Latest