Cotabato, niyugyog ulit ng magnitude 4.5 na lindol

MANILA, Philippines — Muling niyugyog ng 4.5 magnitude na lindol ang Cotabato, kahapon.
Alas 2:38 ng umaga ay naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol sa timog silangan ng Tulunan, Cotabato na tectonic ang pinagmulan.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Kidapawan City at Intensity I sa Tupi, South Cotabato; at Alabel, Sarangani.
Wala namang inaasahang aftershocks ang pagyanig pero ito ay may kinalaman sa tatlong nagdaang mga lindol noong October 16, 29 at 31 na pawang tumama sa Mindanao.
- Latest