^

Bansa

5.5 lindol uli sa Mindanao

Angie dela Cruz, Ratziel San Juan - Pilipino Star Ngayon
5.5 lindol uli sa Mindanao
Umaabot na sa 16 katao ang nasawi at 403 ang nasugatan sa dalawang napakalakas na lindol na yumanig sa Min­danao nitong nagdaang linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ferdinandh CABRERA / AFP

MANILA, Philippines — Kahapon ng alas-10:33 ng umaga, niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Davao Occidental na araw pa ng Undas.

Umaabot na sa 16 katao ang nasawi at 403 ang nasugatan sa dalawang napakalakas na lindol na yumanig sa Min­danao nitong nagdaang linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang mga biktima sa Davao region at Soccsksargen ay namatay dahil sa mga landslide, falling at collapsing debris at cardiac arrest dahil sa lindol.

Ang pagyanig kahapon ay na­itala ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) na nasa may 334 kilometro ng timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental. May 033 kilometro ang lalim ng lupa ng naganap na lindol at tectonic ang ugat ng pagyanig.

 Inaasahan ang aftershocks kaugnay ng pagyanig.

 Bago ito, naitala din ng Phivolcs ang 4.2 magnitude na lindol alas-7:18 ng umaga kahapon sa may 025 kilometro ng hilagang silangan ng Tulunan, Cotabato.

 Naramdaman ang pag­yanig na ito sa la­kas na intensity 2 sa Kida­pawan City at inten­sity 1 sa Malungon Saranggani.

 Wala namang ulat ng damage ang naturang mga paglindol.

Nakapagtala rin ang Phivolcs kahapon ng 1,349 aftershocks kasunod ng mga lindol na yumanig sa North Cotabato nang dalawang ulit sa loob ng tatlong araw.  

Naganap noong Huwebes sa hilagang-sila­ngan ng Tulunan, North Cotabato ang magnitude 6.5 na lindol na kasunod ng 6.6 magnitude na lindol noong Martes.

Hanggang kahapon ng tanghali, may kabuuang 381 aftershock ang naitalaga ng Phivolcs para sa 6.5 magnitude na lindol. Ang 6.6 magnitude na lindol ay nagtala ng 968 aftershocks hanggang alas-4:00 ng hapon ng Huwebes.

Inaasahan umano na magpapatuloy ang mga pagyanig sa loob ng ilang araw o linggo.

 

EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with