^

Bansa

'Magnitude' at 'intensity' ng lindol, ano ang pinag-iba?

James Relativo - Philstar.com
'Magnitude' at 'intensity' ng lindol, ano ang pinag-iba?
Kuha ng napinsalang gusali sa Kidapawan City dulot ng 6.5 magnitude na lindol na tumama, Huwebes.
AFP/Edwin Badilles

MANILA, Philippines — Ngayong kaliwa't kanan ang lindol sa Mindanao, malimit nating marinig ang mga katang "magnitude" at "intensity" para isalarawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang lakas ng lindol. 

Pero ano ba talaga ang mga ito?

Magnitude

Ayon sa Phivolcs, tumutukoy ang "magnitude" sa sukat ng enerhiya ng lindol mula sa focus.

"Ito ay kinakalkula mula sa mga lindol na naitala ng instrumentong tinatawag na seismograph," paliwanag ng ahensya.

Dahil dito, iisa lang ang binabanggit na magnitude sa tuwing may nangyayaring partikular na pagyanig.

Intensity

Kaiba sa nauna, ang "intensity" naman ay ang lakas ng lindol na nadarama o nakikita ng mga tao depende kung nasaan sila sa isang takdang panahon.

"Ito ay batay sa magkakaugnay na epekto sa mga tao, mga bagay, kapaligiran at mga estruktura sa paligid," dagdag pa ng Phivolcs. 

Ibig sabihin, iba-iba ang "intensity" depende sa lugar.

Kadalasan, mas mataas ito kung mas malapit ka sa tinatawag na "epicenter" ng lindol.

Iba't ibang intensity at ibig sabihin nito

May dalawang uri ng lindol. Una, ang "tectonic earthquake" na nangyayari sa tuwing nagkakaroon ng biglaang paggalaw sa mga faults at plate bounderies.

Nangyayari naman ang "volcanic earthquakes" kapag idinulot ito ng pag-akyat ng lava o magma sa ilalim ng mga aktibong bulkan.

Pero hindi lahat ng lindol ay nadarama, habang marahas naman ang iba.

Narito ang iba't ibang intensity at kahulugan nito, ayon sa Phivolcs:

  • Intensity I (scarcely perceptible): Madarama lang ng mga taong nasa paborableng sirkumstansya. Bahagyang umuugoy ang mga gamit na nakabalanse tuwing nangyayari ito at marahang gagalaw ang mga nakahintong tubig.
  • Intensity II (slightly felt): Dama lang ng mga taong nagpapahinga sa loob ng bahay. Duduyan nang kaonti ang mga nakasabit na bagay at mas kapansin-pansin na ang pag-"oscillate" ng mga tubig sa container.
  • Intensity III (weak): Ramdam na ng maraming tao sa loob ng bahay, lalo na ng mga nasa itaas ng gusali. Maihahambing sa pag-ugang dulot ng pagdaan ng truck ang nagagawa nito. Maaari nang makaranas ng pagkahilo ang ilang tao at katamtaman na ang lakas ng pag-ugoy ng mga nakasabit na gamit. Moderate na rin ang paggalaw ng mga tubig sa container.
  • Intensity IV (moderately strong): Dama ng maraming tao sa loob ng bahay o gusali, kahit na ng ilang nasa labas. Magigising na ang ilang natutulog at tila pagdaan na ito ng mabigat na truck. Mas malakas na ang pag-ugoy ng mga nakasabit na gamit at magsisimula nang kumalansing ang mga plato, baso, binata at pinto. Tutunog na ang ilang sahig at pader na yari sa kahoy. Maaaring maramdaman na ito ng ilang motorista, at malakas na ang paggalaw ng tubig na nasa container. Minsan, makaririnig na ng "rumbling" sound.
  • Intensity V (strong): Ramdam na ng karamihan ng nasa loob at labas ng bahay o gusali. Magigising na nito ang maraming natutulog, at malimit na matakot na ang ilan dahilan para tumakbo papalabas. Malakas na ang pag-uga sa mga gusali. Bayolente na rin ang pag-swing ng mga nakasabit na gamit, habang ang ilang dinning utensils ay maaaring mabasag na. Maaaring matumba o malaglag na ang ilang gamit habang natatapon na ang mga likidong nakalagay sa bukas na container. Kapansin-pansin na ang pag-uga ng mga sasakyan at kakaway na ang mga sanga't dahon ng puno.
  • Intensity VI (very strong): Marami nang tao ang natatakot at tatakbong palabas. Maaaring mawala na ang balanse ng ilang tao, habang pakiramdam ng ilang motorista ay flat na ang kanilang gulong. Gagalaw na maging ang mabibigat na furniture at tutunog na ang maliliit na kampana ng simbahan. Maaaring magbitak-bitak na ang plaster na natatagpuan sa mga dingding. Mapipinsala na ang mga luma at 'di matibay na kabahayan ngunit 'di pa maaapektuhan ang mga matitibay na istruktura. Magkakaroon na ng limitadong pagguho ng mga bato sa mga mabubundok na lugar. Kapansin-pansin na ang paggalaw ng mga puno.
  • Intensity VII (destructive): Takot na ang karamihan at tumatakbo palabas. Hirap nang ring tumayo ang mga taong nasa upper floors. Maaaring matumba na ang ilang mabibigat na gamit, agt pwede nang tumunog ang malalaking kampana ng simbahan. Matindi na ang pinsala sa mga luma at marurupok na bahay, habang maliit naman ang pinsalang maidudulot nito sa matitibay na istruktura. Maaaring mabitak na ang ilang dike, palaisdaan, kalsada at kongkreto. Mapapansin na ang ilang pagguho ng lupa. Malakas na ang pag-ugoy ng mga puno.
  • Intensity VIII (very destructive): Nagkakandarapa na ang mga tao at hirap nang tumayo kahit nasa labas. Mapipinsala na rin kahit ang matitibay na gusali. Masisira na rin ang mga kongkretong dike habang masisira na ang pundasyon ng ilang tulay. Masisira na o mayuyupi ang riles ng mga tren habang maaaring matumba na o mapaikot ang ilang lapida sa sementryo. Ilang poste, tore at monumento ang maaari nang tumumba. Posible na ring matupi o masira ang ilang tubo ng tubig. Maaaring lumubog o matumba ang ilang ikstruktura dahil sa "liquefaction." Kaliwa't kanan na ang mga landslides at rockfalls sa mga mabubundok na lugar. Bayolente na ang paggalaw ng mga puno. Mapapansin na ang ilang "fissures" at "faults rapture."
  • Intensity IX (devastating): Pwersahan nang matutumba ang mga tao, habang marami na ang nag-iiyakan at nanginginig sa takot. Sira na ang karamihan ng gusali, tulay at mga instrukturang kongreto na nasa mataas na lugar. Tumba o sira na ang maraming utility posts, towers at mga monumento. Sira na ang mga tubo ng mga water sewer. Kalat na ang pagguho ng lupa at liquefaction, na may "lateral spreadings" at "sandboils." Gagalaw na nang husto ang malalaking bato at bayolente na ang paggalaw ng tubig sa mga ilog.
  • Intensity X (completely devastating): Sira na ang karamihan ng istruktura na gawa ng tao. Talamak ang landslide, liquefaction at ground fissures. Maaaring mabago na ang direksyon ng ilog. Tumba na o nahugot na sa lupa ang maraming puno.

EARTHQUAKE

INTENSITY

MAGNITUDE

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with