6.5 magnitude na lindol tumama uli sa Mindanao; Duterte ligtas sa Davao
MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon ngayong linggo, isang malakas na lindol ang muling tumama sa kapuluan ng Mindanao, Huwebes ng umaga.
Bandang 9:11 a.m. nang umaga nang maitala ang magnitude 6.5 na lindol 28 kilometro hilagangsilangan ng Tulunan, Cotabato.
Matatandaang tumama pa lang ang magnitude 6.6 na lindol sa parehong epicenter nitong Martes.
Narito ang mga naiulat na intensity ng sa iba't ibang panig ng Kamindanaoan:
Intensity VII
- Tulunan, Cotabato
- Kidapawan City
- Sta. Cruz, Matanao, Bansalan at Magsaysay, Davao del Sur
Intensity VI
- Tampakan, South Cotabato
Intensity V
- General Santos City
- Tupi, South Cotabato
- Isulan, Sultan Kudarat
Intensity IV
- Lebak, Sultan Kudarat
Inaasahan ang mga pinsala at mga aftershocks dulot ng pagyanig, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Bagama't malakas ang pagtama nito sa ilang bahagi ng kapuluan, wala namang inaasahang tsunami na raragasa sa bansa.
Nasa Davao City ang Pangulong Rodrigo Duterte nang mangyari ang lindol.
Sa kabila nito, kinumpirma naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ligtas ang presidente.
Una nang sinabi ng Phivolcs na mararamdaman pa ang hagupit ng mga pagyanig sa mga susunod na araw o linggo.
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.
- Latest