Pasok sa government offices ‘half day’ ngayon

Batay ito sa pinirmahang Memorandum Circular 69 ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagdedeklara ng suspension ng trabaho mula alas-12 ng tanghali ngayon sa lahat ng government offices.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Idineklara ng Malacañang na half day lang ang pasok ngayon para sa mga empleyado ng gobyerno kaugnay ng paggunita ng All Saint’s day.

Batay ito sa pinirmahang Memorandum Circular 69 ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagdedeklara ng suspension ng trabaho mula alas-12 ng tanghali ngayon sa lahat ng government offices.

Layunin nito na magkaroon ng sapat na panahon ang mga government workers na maghanda at makabiyahe para dumalaw sa mga sementeryo ng namayapa nilang mahal sa buhay.

Pero ang mga ahensya ng gobyernong may kinalaman ang trabaho sa pagtugon sa mga kalamidad at sakuna ay may pasok maghapon.

Ipinaubaya naman ng Palasyo sa mga opisyal ng paaralan at employers sa private sector ang desisyon kung nais nilang suspindihin ang klase at trabaho sa kanilang tanggapan.

Show comments