Shellfish sa 8 lugar sa Bataan, bawal kainin

Ito ay makaraang lumabas sa pagsusuri ng BFAR na positibo sa lason ng red tide ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba, halaan na mula sa mga baybayin ng Orani, Hermosa, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Samal at Abucay sa naturang lalawigan.
News5/InterAksyon

MANILA,Philippines — Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources( BFAR) ang paghango, pagbili at pagkain ng mga produktong shellfish mula sa walong lugar sa lalawigan ng Bataan.

Ito ay makaraang lumabas sa pagsusuri ng BFAR na positibo sa lason ng red tide ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba, halaan na mula sa mga  baybayin ng Orani, Hermosa, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Samal at Abucay sa naturang lalawigan.

Gayunman, maaaring kainin ang alamang, pusit, isda at iba pang lamang dagat mula sa naturang mga baybayin basta’t linisin mabuti bago lutuin.

Hinikayat din ng BFAR ang mga local chief executives sa naturang mga lugar na pigilan ang anumang pagtatangka na makarating sa mga pamilihan at pa­lengke ang shellfish products mula sa kanilang lugar upang maingatan ang kalusugan ng mamamayan doon.

Ang makakakain ng shellfish na may lason ay maaaring magsuka, diarrhea, sumakit ang kalamnan na maaaring magdulot ng kamatayan.

Show comments