^

Bansa

1 patay, 43 sugatan sa 6.6 magnitude earthquake sa Mindanao

James Relativo - Philstar.com
1 patay, 43 sugatan sa 6.6 magnitude earthquake sa Mindanao
Kuha ng sugatang empleyadong isinakay sa stretcher buhat ng lindol nitong Martes ng umaga, Oct. 29, 2019.
AFP/Manman Dejeto

MANILA, Philippines — Kumpirmadong may nasawi sa naitalang 6.6 magnitude na lindol sa Tulunan, North Cotabato, Martes ng umaga, ayon sa inisyal na datos na inilabas ng Office of Civil Defense sa Soccsksargen. 

Kinilala ang nasawi bilang si Nestor Narciso, 66-anyos mula sa Koronadal City.

Aniya, namatay si Narcisco matapos magtamo ng head trauma, cheek laceration at pinsala sa kaliwang braso.

Maliban sa kanya, 30 naman ang naitayang sugatan sa Kidapawan City. Nasa 13 naman ang injured sa Mlang, North Cotabato, dagdag nila.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot ng hanggang Intensity VII na pag-uga ang nadama sa Tulunan at Makilala sa Cotabato, Kidapawan City at Malungon, Sarangani.

Ang Intensity VII ay klinaklasipika bilang "destructive," o mapaminsala, ng Phivolcs.

Samantala, nasa 23 local government units na ang nagsuspinde ng klase kasunod ng insidente.

Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas nang tumaan din ng magnitude 6.3 na lindol ang Tulunan, kung saan pito ang kumpirmadong namatay.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa paligid ng Pacific Ring of Fire, kung saan naitatala ang maraming lindol at pagsabog ng bulkan.

Inaantabayanan pa ang mga karagdagang detalye hinggil sa insidente.

EARTHQUAKE

NORTH COTABATO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHIVOLCS

TULUNAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with