MANILA, Philippines — Sa isa na namang pagkakataon, niyanig ng lindol ang kapuluan ng Mindanao, Martes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoligy, 6.6 magnitude ang tumamang lindol 25 kilometro mula sa Tulunan, North Cotabato.
Sinasabing nangyari ito bandang 9:04 a.m. Una nang naibalita na 6.4 magnitude ang tumama sa lugar ngunit nirebisa ng Phivolcs.
Naitala ang sumusunod na intensity sa iba't ibang bahagi ng Mindanao:
Intensity VII
- Tulunan at Makilala, Cotabato
- Kidapawan City
- Malungon, Sarangani
Intensity VI
- Davao City
- Koronadal City
Intensity V
- Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato
- Alabel, Sarangani
Intensity IV
- General Santos City
- Kalilangan, Bukidnon
Intensity III
- Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte
- Zamboanga City
- Dipolog City
- Molave, Zamboanga del Norte
- Talakag, Bukidnon
Intensity I
- Camiguin, Mambajao
Dagdag ng Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks at pinsala dulot ng pagyanig.
Wala namang banta ng tsunami bunsod ng lindol ngayong araw.
Ika-16 ng Oktubre nang huling tamaan ng magnitude 6.3 na lindol ang Mindanao, sa parehong epicenter sa Tulunan.
Nangako naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na maglalabas ng karagdagang impormasyon patungkol sa insidente sa mga susunod na oras.