^

Bansa

Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Mindanao

James Relativo - Philstar.com
Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Mindanao
Una nang naibalita na 6.4 magnitude ang tumama sa Tulunan, North Cotabato ngunit nirebisa rin ng Phivolcs.
Released/Phivolcs

MANILA, Philippines — Sa isa na namang pagkakataon, niyanig ng lindol ang kapuluan ng Mindanao, Martes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoligy, 6.6 magnitude ang tumamang lindol 25 kilometro mula sa Tulunan, North Cotabato.

Sinasabing nangyari ito bandang 9:04 a.m. Una nang naibalita na 6.4 magnitude ang tumama sa lugar ngunit nirebisa ng Phivolcs.

Naitala ang sumusunod na intensity sa iba't ibang bahagi ng Mindanao:

Intensity VII

  • Tulunan at Makilala, Cotabato
  • Kidapawan City
  • Malungon, Sarangani

Intensity VI

  • Davao City
  • Koronadal City

Intensity V

  • Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato
  • Alabel, Sarangani

Intensity IV

  • General Santos City
  • Kalilangan, Bukidnon

Intensity III

  • Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte
  • Zamboanga City
  • Dipolog City
  • Molave, Zamboanga del Norte
  • Talakag, Bukidnon

Intensity I

  • Camiguin, Mambajao

Dagdag ng Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks at pinsala dulot ng pagyanig.

Wala namang banta ng tsunami bunsod ng lindol ngayong araw.

Ika-16 ng Oktubre nang huling tamaan ng magnitude 6.3 na lindol ang Mindanao, sa parehong epicenter sa Tulunan.

Nangako naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na maglalabas ng karagdagang impormasyon patungkol sa insidente sa mga susunod na oras.

EARTHQUAKE

NORTH COTABATO

PHIVOLCS

TULUNAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with