Coal-Friendly EO pinarerebyu sa Supreme Court
MANILA,Philippines — Naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang Clean energy advocates ng ‘certiorari’ upang rebyuhin ang executive order no. 30, series of 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatatag sa Energy Investment Coordinating Council (EICC) na umano’y paglabag sa ‘separation of powers’ ng tatlong sangay ng gobyerno at sinasabing ‘unconstitutional.’
Ayon kay Power for People Coalition (P4P) Convenor Gerry Arances, ginagamit ng EICC ang EO upang mapabilis ang ‘coal-oriented projects’ bilang Energy Projects of National Significance (EPNS).
“Ang unang non-renewable energy project na inaprubahan ng EO ang coal-fired power plant sa Atimonan, Quezon,” giit pa nito.
Nabatid na ang ‘power plant’ sa Atimonan na pag-aari ng Meralco ay mahigpit na tinututulan ng mga lokal na opisyal sa lalawigan maging ng iba’t-ibang magkaka-alyansang environmentalist.
Ang nasabing proyekto ay pinigilan ng SC sa hindi wastong ‘power supply agreements ‘(PSA) noong May 2019 dahil sa kakulangan ng masusing pagsisiyasat.
- Latest