Putin bibisita sa Pinas

“The invitation of President Duterte was accepted by President Putin with gratitude,” sabi ni Khovaev.
File

MANILA, Philippines — Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Russian President Vladimir Putin matapos imbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi kahapon ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev sa news forum na “In Focus.”

Sinabi ni Khovaev na ito ang unang pagkakataon na magtutungo sa bansa si Putin.

“President Duterte officially invited President Putin to visit the Philippines,” sabi ni Khovaev.

Pero tumanggi si Khovaev na magbigay ng ibang detalye kaugnay sa magiging pagdalaw ni Putin sa bansa.

Bukod sa tinanggap umano ni Putin ang imbitasyon, nagpasalamat din ito kay Duterte.

“The invitation of President Duterte was accepted by President Putin with gratitude,” sabi ni Khovaev.

Umaasa si Khovaev na mangyayari ang pagbisita ng kanilang Pangulo sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Dalawang beses nang nakabisita si Duterte sa Russia simula nang maging Pangulo ito noong 2016.

Show comments