^

Bansa

Palasyo walang balak maglabas ng medical bulletin ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Palasyo walang balak maglabas ng medical bulletin ni Digong
Hindi pa rin naawat sa pagmo-motor si Pangulong Duterte matapos muling magmotorsiklo kahapon ng madaling araw sa loob ng PSG compound sa Malacañang. Sinamahan siya ni Sen. Bong Go na nag-ikot ng 10 minuto lulan ng 3-wheeled motorcycle.

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Malacañang na hindi na kailangang maglabas ng medical bulletin para sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang paglalabas ng medical bulletin ay kung mayroon lang seryosong karamdaman ang Pangulo.

“That is the constitutional requirement,” sabi ni Panelo.

Idinagdag pa ni Pa­nelo na wala namang inililihim ang 74-anyos na Pangulo pagdating sa kaniyang kalusugan.

Wika ni Panelo, nasa Davao City na ang Pangulo at nagpapahinga tulad ng payo ng doktor.

Nitong nakaraang linggo, bumagsak mula sa motorsiklo si Duterte sa Presidential Security Group compound sa Malacañang Complex na dahilan ng pagkakatukod ng kaniyang siko at pananakit umano ng balakang.

Nito namang nakaraang linggo, napabalik nang maaga sa bansa mula sa Japan si Duterte dahil umano sa naramdamang matinding pa­nanakit ng likod.

Pero nang magpasuri umano sa duktor nitong Miyerkules, muscular spasm lang daw ang dahilan ng pananakit at kailangan lang magpahinga.

Siniguro rin ni Pa­ne­lo na dadalo sa ASEAN Summit sa 1st week ng November ang Pangulo sa Bangkok, Thailand.

 

DIGONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with