^

Bansa

18 lugar na may banta ng landslide, tinukoy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
18 lugar na may banta ng landslide, tinukoy
Ang 18 lugar sa Pilipinas na may banta ng landslide ay ang Benguet, Mountain Province, Abra, Nueva Vizcaya, Davao Oriental, Ifugao, Aurora, Apayao, Quirino, Kalinga, Camiguin, Southern Leyte, Sarangani, Siquijor, Quezon, Bukidnon, Romblon, at Negros oriental.
File

MANILA,Philippines — Tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geoscience Bureau (DENR-MGB) ang 18 lugar sa bansa na kinakitaan ng mataas na panganib ng pagguho ng lupa.

Ang 18 lugar sa Pilipinas na may banta ng landslide ay ang Benguet, Mountain Province, Abra, Nueva Vizcaya, Davao Oriental, Ifugao, Aurora, Apayao, Quirino, Kalinga, Camiguin, Southern Leyte, Sarangani, Siquijor, Quezon, Bukidnon, Romblon, at Negros oriental. 

Bunga nito, binalaan ng DENR-MGB ang lahat ng mga local executives sa nabanggit na mga lugar na gumawa ng mga kaukulang contingency measures upang mapaghandaan at maiwasang mabiktima ng landslides ang mga nasasakupang lugar sa bansa.

Ang babala ng MGB ay kasunod ng magnitude 6.3 lindol na tumama sa Mindanao kamakailan. 

Ayon kay Atty. Wilfredo Moncano, director ng MGB, ang pagkamatay na dulot ng anumang natural disaster ay mababawasan kung hindi man maiiwasan sa pamamagitan ng preparasyon at tamang pagpapakalat ng impormasyon para rito.

Ginawang halimbawa ni Moncano ang Japan na isang bansang ‘highly-prepared’ pagdating ng isang kalamidad pero marami pa rin ang namatay nang hagupitin ng bagyong Hagibis kamakailan.

Ayon sa MGB, handa silang tumulong sa mga LGUs pagdating sa paghahanda para sa mga geohazards na gaya ng landslides at mudslides.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES-MINES AND GEOSCIENCE BUREAU

LANDSLIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with