MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong Perla ang kanyang lakas habang patuloy na kumikilos pakanlurang bahagi ng bansa.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Perla ay namataan ng PAGASA sa layong 860 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 46 kph at pagbugso na aabot sa 55 kph.
Bagamat wala pa itong direktahang epekto sa bansa, magdadala naman ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands at Apayao mula sa araw ng Sabado at Linggo.
Sa Sabado, ang bagyo ay nasa layong 315 km silangan ng Calayan, Cagayan at sa Linggo ay nasa layong 40 km silangan ng Aparri, Cagayan.