^

Bansa

Villar pinakamayaman pa rin sa Senado, De Lima pinakasalat sa datung

James Relativo - Philstar.com
Villar pinakamayaman pa rin sa Senado, De Lima pinakasalat sa datung
Ayon sa dokumentong inilabas ng Senado, nasa P3.5 bilyon ang assets at net worth ni Villar, habang wala siyang liabilities.
File photo

MANILA, Philippines — Muling nanaig bilang pinakayamang tao sa Senado si Sen. Cynthia Villar ngayong taon matapos maglabas ng panibagong buod ng statement of assets, liabilities and net worth ang Mataas na Kapulungan.

Saklaw nito ang ilang SALN na naihain mula ika-31 ng Disyembre 2018 hanggang ika-30 ng Hunyo 2019.

Ayon sa dokumentong inilabas ng Senado, nasa P3.5 bilyon ang assets at net worth ni Villar, habang wala siyang liabilities.

Si Villar, na asawa ng ikalawang pinakamayamang Pilipino nitong 2019 ayon sa Forbes magazine, ang nakakuha ng may pinakamalaking boto sa pagkasenador sa katatapos lang na midterm elections ngayong taon.

Siya rin ang pinakamayamang kasapi ng Senado noong 2018.

Malayo 'yan sa P7.7-milyong net worth ni De Lima, ang pinakamahirap na senador, na may kabuuang ariarian na P9.3 milyon at liabilities na P1.6 milyon.

Samantala, si Sen. Christopher "Bong" Go ang ikalawang pinakamahirap sa net worth na P15.5 milyon kahit na siya ang may pinakamalaking ginastos sa mga nanalong senador sa pangangampanya sa halagang P161.4 milyon.

Gayunpaman, nagmula raw ito sa kontribusyon ng kanyang mga tagasuporta, na umabot ng P162 milyon.

Narito ang kabuuang listahan ng net worth ng 24 senador ayon sa mga pinakabagong SALN:

  • Cynthia Villar — P3,534,412,797.00
  • Manny Pacquiao — P3,005,808,000.00 
  • Ralph Recto — P555,324,479.82
  • Miguel Zubiri — P182,851,570.34 
  • Bong Revilla — P164,203,379.38
  • Sonny Angara — P139,026,597.00
  • Franklin Drilon — P97,726,758.00 
  • Sherwin Gatchalian — P96,210,607.14 
  • Grace Poe —  P95,693,450.37
  • Pie Cayetano — P82,308,227.36
  • Richard Gordon — P71,285,178.56 
  • Tito Sotto — P70,120,700.30
  • Lito Lapid — P69,910,000.00
  • Francis Tolentino — P62,482,000.00
  • Nancy Binay — P59,911,019.00
  • Ping Lacson — P42,442,341.00 
  • Imee Marcos — P29,970,467.00
  • Koko Pimentel — P29,934,635.00
  • Bato dela Rosa — P28,258,908.00
  • Joel Villanueva — P26,921,555.00
  • Kiko Pangilinan — P16,695,048.17 
  • Risa Hontiveros — P15,627,176.04
  • Bong Go — P15,508,370.82
  • Leila de Lima — P7,706,392.45

CYNTHIA VILLAR

LEILA DE LIMA

SENATE

STATEMENT OF ASSETS LIABILITY AND NETWORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with