Sunog sa Paco: 20 pamilya nawalan ng tahanan
MANILA,Philippines — Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang lamunin ng nangangalit na apoy ang nasa 10 kabahayan sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.
Sa ulat ni Manila Fire District, dakong alas-6:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Edna Bulatao, sa General Luna St, Paco, na umabot lang sa ikalawang alarma bago naapula alas-7:10 ng umaga.
Isang babae ang hinimatay habang wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan.
Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa naturang sunog.
Iniimbestigahan pa naman ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.
- Latest