^

Bansa

‘Worst traffic’ sa Metro Manila ramdam sa Nobyembre

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Worst traffic’ sa Metro Manila ramdam sa Nobyembre
Sinabi ni Erice, na kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuters at mga moto­rista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation pagsapit pa lamang ng unang linggo ng Nobyembre.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines – Mas makakaranas pa ng pinakamalalang traffic ang Metro Manila pagpasok ng buwan ng Nobyembre, babala ni Caloocan City Rep. Edgar Erice sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ni Erice, na kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuters at mga moto­rista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation pagsapit pa lamang ng unang linggo ng Nobyembre.

Ito ay dahil na rin sa nalalapit na South East Asian games na gaganapin sa bansa sa Nob­yembre 30 at ang Christmas rush sa papalapit na Disyembre.

Sa taya umano ng MMDA, madadagdagan ng 20% pa ang volume ng mga sasakyan sa EDSA at tiyak na magmimistulang parking space ang mga  pangunahing lansangan.

Bunsod nito kaya mu­ling iginiit ng kongresista na dapat ipagbawal tuwing rush hours ang mga private vehicles sa EDSA.

Paliwanag ni Erice, ito lamang din ang mabilis at epektibong paraan para matulungan ang mayorya ng mga commuters nga­yong Christmas season.

Magugunita na pinu­takti ng negatibong komento mula sa mga private car owners si Erice dahil sa kanyang panukala.

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with