Fish kill umatake sa Las Piñas, Parañaque

Libu-libong patay na isda ang napadpad sa baybayin ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-tourism Area dahil sa fish kill.
Bernardo Batuigas

MANILA, Philippines – Nasa 50 banyera ng iba’t ibang uri ng patay na isda ang natagpuan sa mga baybaying sakop ng Las Piñas at Parañaque City kahapon.

Ayon kay Jimmy Castillo, Las Piñas City-Public Information Office (PIO) chief, kabilang sa mga nakitang species ang salay-salay, sapsap, salinyasi at banak sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area’s (LPPCHEA) Freedom Island.

Inireport agad ito ng LPPCHEA sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nabatid na kumuha na rin ng water samples sa erya ang BFAR at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para pag-aralan kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda.

Sinasabi namang pagdi-dinamita ang umano’y posibleng naging sanhi ng fish kill.

Tinaya sa P700,000 hanggang P1 milyon ang halaga ng mga namatay na isda.

Show comments