MANILA, Philippines – ISO certified na ngayon ang Victory Liner, isa sa pinaka malaki at most-trusted bus transport services sa Luzon.
Ito ay makaraang makakuha ang Victory Liner-Caloocan City-based central maintenance hub ng ISO 9001:2015 certification mula sa ISO central secretariat na nakabase sa Geneva, Switzerland.
Dahil sa parangal na ito, ang Victory Liner na ang nag-iisa at tanging transport company sa Pilipinas na may maintenance shop na compliant sa global standards na inaprubahan ng 170 mga bansa.
“We are deeply honored to be one of a select few bus companies whose maintenance shop as certified as globally compliant by the ISO. This is our gift to the Filipino people, a testament that our more than seventy five year’s of tireless hardwork has definitely paid off,” pahayag ni Marivic H. Del Pilar, vice president for Finance and Marketing ng Victory Liner.
Bunga nito, makakatiyak ang mga pasahero na ligtas sila sa mga biyahe at may mahusay na serbisyong matatanggap mula sa kumpanya.
Ang ISO 9001:2015 ay kumikilala sa buong mundo ng mga criteria para sa quality management system sa may mahigit 1 milyong kumpanya at organisasyon sa 170 bansa hinggil sa quality management principles tulad ng customer focus, motivation, implikasyon ng top management, process approach at continual improvement.