Generic na gamot, aprub sa DOH
MANILA, Philippines — Aprub sa Department of Health (DOH) ang mga generic na gamot.
Ito ang binigyan diin ng DOH kasabay ng pahayag na bagamat generic ang gamot na bibilihin sa botika dapat ay mataas pa rin ang quality nito.
Ayon sa executive order, sinama pa rin sa generic version ang mga gamot na para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases at major cancer.
Paalala ni Health Sec. Francisco Duque III, na ang mga murang gamot ay dumadaan pa rin sa masusing pagsusuri kaya tiyak nito na mataas pa rin ang quality nito.
Dagdag pa ni Duque, na pasok sa quality standard ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga generic version na gamot.
- Latest