5,300 sundalo kailangan ng Philippine Army
MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Philippine Army ng karagdagang 5,300 pang sundalo upang higit pang mapaigting ang kampanya laban sa teroristang New People’s Army at maging ang terorismo.
Sa kasalukuyan ay may 148,000 ang kabuuang puwersa ng AFP kung saan 90,000 dito ay mula sa hukbong katihan o Phil. Army.
“Anyone who wants to serve our people is welcome to join as long as the Philippine Army’s qualifications are met. Qualified applicants will receive the same benefits during training and when they become part of the regular force,” ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala.
Nabatid pa sa opisyal na nais ng Commander in Chief na magkaroon ng karagdagang 25,000 tropa ang militar kung saan karamihan dito ay para sa Army.
- Latest