MANILA, Philippines – Aprubado na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa pamamagitan ng viva voce vote ay lumusot ang House Bill 4933.
Sa inamyendahang panukala ay ginaya ng Kamara ang bersyon ng Senado na gawing Disyembre 5, 2022 sa halip na May 2023 ang Bgy. at SK elections.
Nauna na rin inalis ng Kamara ang P5 bilyon gagastusin ng gobyerno para sa eleksyon sa Mayo 2020.