Proteksiyon sa mga ‘ander de saya’ isinulong

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas para mabigyan ng proteksyon ang mga ander de saya o mga mister na nakakaranas ng pagmamalupit mula sa kanilang mga misis ang inihain sa Kamara. 

Sa House bill 4888 ni Rizal Rep. Fidel Nograles, nais nito na maamyendahan ang RA 9262 o ang Anti-Vio­lence Against Women and their Children.

Naniniwala si Nog­rales na dapat din bigyan ng proteksyon ang mga mister na nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga misis.

Sa ilalim ng HB 4888, ang RA 9262 ay gagawin ng Anti-Violence Against Partners and their Children para maisama na ang pagmamalupit sa mga lalaki.

Idinagdag pa ng kon­gresista na ang karahasan at pang-aabuso ay hindi nagdi-discriminate maging babae o lalaki, at miyembro ng LGBT kaya karapatan ng gobyerno na protektahan ang lahat.

“We must recognize that there are also male partners who are victims of abuse, yet are unable to report such incidents because of prejudice,” ayon pa sa solon.

Show comments