^

Bansa

Operasyon ng LRT-2, MRT-3 magkasunod itinigil bunsod ng aberya

James Relativo - Philstar.com
Operasyon ng LRT-2, MRT-3 magkasunod itinigil bunsod ng aberya
Dumanas ng "technical problem" ang LRT-2 bago mag-alas-diyes, habang dumanas naman ng "power supply problem" mula Ayala hanggang Taft Avenue station ng MRT-3 bago mag-alas-diyes y media.
Light Rail Transit Line 2 FB page

MANILA, Philippines — Parehong itinigil ang operasyon ng Manila Light Rail Transit System Line 2 at Manila Metro Rail Transit System Line 3, Miyerkules ng umaga, dahil sa iba't ibang problema.

Nangyari ang problema sa LRT-2 bandang 9:49 a.m.

Dahil dito, pinababa ng tren ang mga pasahero at hindi na rin nagpapasok sa mga turnstile.

Sa dami ng naperwisyong komyuter, No. 2 trending sa Twitter ang katagang "LRT-2" habang isinusulat ang balitang ito.

Muling tumakbo ang LRT-2 10:19 a.m., ngunit hindi nila tinukoy kung anong sanhi ng problema.

Tanging "technical problem" ang binanggit ng pamunuan ng tren.

"As of 10:52:AM. 7 trains/28 coaches running. LIGHT to MODERATE volume of passengers on both Eastbound and Westbound directions. Normalization of headway is ongoing," sabi ng linya.

Ganito rin ang dinanas ng MRT-3 bandang 10:17 a.m.

"[T]here was a reported problem in our power supply from Ayala Station to Taft Avenue Station," sabi ng Department of Transportation MRT-3.

Agad naman daw itong kinoordina sa kanilang power personnel.

Naibalik naman ang kuryente pagsapit ng 10:35 a.m.

Pinag-aaralan pa rin daw nila kung ano ang nagsanhi ng problema.

"We continue to investigate the cause of the power supply issue, and we sincerely apologize for the inconvenience," kanilang paliwanag. — James Relativo

LRT-2

MRT-3

RAILWAYS

TECHNICAL PROBLEMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with