Onyok lumakas bago lumabas ng bansa
MANILA, Philippines — Napanatili ang lakas ng bagyong Onyok bago ito lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) kagabi.
Dahil kay Onyok, dumanas ng katamtaman na minsa’y malakas na pag ulan sa Batanes samantalang kalat-kalat na pag-ulan naman ang naranasan sa Ilocos Norte, Apayao at Cagayan kasama na ang Babuyan Islands.
Mapanganib ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa northern at eastern seaboards ng Luzon dahil sa malalaking alon doon.
Makakaranas naman ng minsang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng ating bansa dahil sa localized thunderstorm.
- Latest