27 pang sumukong convicts palalayain muli

Kabilang ang mga bilanggo na ito sa 2,100 convicts na sumuko kamakailan makaraang maglabas ng 15-araw na ultimatum ang Pangulo laban sa mga heinous crime convicts na napalaya dahil sa GCTA law na sumuko na uli sa mga awtoridad.
File

MANILA, Philippines — Mas marami pang convicts na sumuko sa ultimatum na ibinigay ni Pangulong Duterte ang nakatakdang palayain ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DOJ Undersecretary Markk Perete, nairekomenda na ang release ng fourth batch ng 27 convicts.

Kung sakali, aabot na sa 114 ang kabuuang bilang ng mga surrenderees na nakatakdang lalaya.

Nauna nang pinalaya ng DOJ ang 52 bilanggo na nakalabas ng kulungan dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Samantala, sinabi ni Perete na magpupulong ang oversight committee para talakayin ang listahan ng mga bilanggo na kailangan arestuhin muli na ipapadala sa Department of Interior and Local Government.

Show comments