MANILA, Philippines — Nakikini-kinita ng 1,400 alkaldeng miyembro ng League of Municipalities of the Philippines na siguradong mahahalal si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson bilang pangulo ng LMP dahil walang partido pulitikal ang naglabas ng kandidato nito para sa naturang posisyon.
Sinabi ni Magsaysay, Misamis Oriental Mayor Rey Buhisan na si Singson ay laging achiever at isang lider na naghahangad na matamo ang mas mataas na layunin at taglay nito ang kailangang pamumuno sa LMP.
Sa halos 30 taon niyang serbisyo sa publiko, nagsilbi si Singson sa Ilocos Sur bilang gobernador, congressman, konsehal at ngayon ay mayor ng Narvacan.
Itinuturing ng kanyang mga nasasakupan na isang haligi si Singson na kasama ng asawa niyang si Vigan City Mayor Eva Marie-Singson ay naging instrument para maging isa sa New 7 Wonder Cities of the world ang Vigan City.
Si Singson din ang awtor ng Republic Act No. 7171 na batas na nagpapalawig ng special support sa mga magsasaka ng Virginia tobacco-producing provinces at nagdala ng billions of pesos na excise taxes sa mga beneficiary provinces.
Ang mga provincial chapter president ng LMP ay magdaraos ng National Directorate meeting sa ikalawang Lunes ng Oktubre sa Maynila para maghalal ng bagong mga opisyal nito.