MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Chinese investors na umasal ng tama, magbayad ng tamang buwis at sumunod sa itinakda ng batas ng Pilipinas.
“I just want everybody to behave. I also expect that behavior from you. There are rules to be followed. Just obey the rules. Nobody is going to disturb you,” wika ng Pangulo.
Aniya, dapat magpasweldo rin sila nang tama at magbayad ng tamang buwis. Kapag kinokotongan sila ng mga corrupt sa gobyerno ay isumbong agad sa kanya kahit hatinggabi.
Nagbabala pa ang Pangulo na huwag silang papasok sa illegal drugs at huwag kukuha ng mga illegal workers.
“You can come and engage in illegal activity.. If I catch up with you, it’s dead or alive, probably dead. Bcoz if you are alive, I still need to feed you. There is rice crisis in this country,” giit ng Pangulo.