Paglaganap ng iba pang sakit ikinabahala

Dahil sa ‘low vaccination rate’
MANILA, Philippines – Ikinababahala ng ilang eksperto ang posibleng paglaganap ng iba pang sakit dahil sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa.
Ito ay matapos magdeklara ng dengue epidemic ang bansa at ang kumpirmadong pagbabalik ng sakit na polio.
Anila, sa ngayon ay bumaba ng halos 40% ang mga nagpapabakuna dahil sa dengvaxia scare.
Bukod sa polio, maaaring lumaganap ang mga sakit na bulutong, beke at pertussis.
Ayon sa DOH, walang dapat na ikabahala ang publiko sa mga vaccine dahil ito ay ligtas.
Sa ngayon ay naglunsad na ang DOH ng malawakang pagbabakuna matapos ang dalawang kumpirmadong kaso ng polio sa bansa.
- Latest