MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang kongresista ang limang taong termino para sa mga Barangay Officials. Ang hakbang ni Isable Rep. Faustino Dy ay kasunod ng pag-aapruba ng House Committee on Suffrage and Ellectoral Reform sa panukalang pagpapaliban sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Sinabi ni Dy na isinusulong niya na gawing limang taon ang termino ng isang Barangay official dahil kulang ang tatlong taon termino para matapos ang mga proyekto nila. Bukod dito maaaring hindi na rin umano maituloy ang mga proyekto o programa ng nakaraang administrasyon kapag bumaba agad sa puwesto ang isang barangay official.