MANILA, Philippines — Pumanaw na ang dating tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Lyndon Lee Suy dahil sa cardiac arrest.
Kinumpirma kahapon ni Health Undersecretary Eric Domingo na binawian ng buhay si Lee Suy kahapon ng umaga sa Philippine Heart Center sa Quezon City.
Sinasabing nagtuturo ito sa isang paaralan sa lungsod ng Valenzuela nang sumama ang pakiramdam.
Nadala pa siya sa pagamutan bago nalagutan ng hininga.
Si Suy ay kasalukuyang assistant secretary for Office of Health Policy and Systems Development Team.