Ika-2 kaso ng polio naitala sa Laguna, sabi ng DOH
MANILA, Philippines — Matapos ideklara ang pagbabalik ng polio sa Pilipinas kahapon, kinumpirma naman ng Department of Health na sinundan na ito ng ikalawang kumpirmadong kaso.
Ayon sa ulat ng The STAR ngayong hapon, isang 5-anyos na batang lalaki ang nakakitaan nito.
BREAKING: DOH confirms 2nd polio case in Laguna involving a 5-year-old boy. @PhilippineStar
— sheila crisostomo (@shecrisostomo) September 20, 2019
Ito na ang ikalawang kaso ng polio sa Pilipinas matapos nitong mawala sa bansa 19 taon na ang nakalilipas.
Ika-19 ng Setyembre nang ilahad ng DOH na isang 3-anyos na batang babae ang nagkaroon ng polio sa Lanao del Sur.
Matatandaang idineklarang "polio-free" ang Pilipinas noong 2000 ng World Health Organization.
Una nang sinabi ng DOH na maaari itong magdulot ng pagkaparalisa, at sa ilang pagkakataon, kamatayan.
Ang nakagagawang sakit ay mabilis kumalat at wala pa ring gamot, ngunit maaaring mapigilan sa pamamagitan ng ilang doses ng bakuna.
Kanina, nagbigay din ng oral polio vacine si Health Secretary Francisco Duque III sa ilang bata sa Lungsod ng Quezon.
Bahagi pa rin ito ng "End Polio Now" campaign na inilulunsad ng DOH at Rotary Philippines upang labanan ang panunumbalik ng sakit.
Health Secretary Francisco Duque III gives drops of oral polio vaccine to a child in Quezon City on Friday. Today, the DOH and the Rotary Philippines launched the "End Polio Now" campaign in a bid to fight polio's resurgence pic.twitter.com/hUpL5LLtBK
— The Philippine Star (@PhilippineStar) September 20, 2019
Ayon kay Duque, hindi sapat ang bilang ng mga nagpapabakuna simula 2018 hanggang sa unang anim na buwan ng 2019.
"The average polio vaccination rate has been at 66-68%. This is really insufficient, and we need a 95% vaccine rate of... coverage," sabi niya sa panayam ng ANC.
Sinabi rin ng DOH na maaaring may kinalaman ang isyu ng Dengvaxia sa pagdadalawang-isip ng publiko na ipabakuna ang kanilang mga anak sa kasalukuyan.
Isinisisi kasi ng ilang magulang, kasama na Public Attorney's Office chief Persida Acosta, ang pagkamatay ng ilang bata sa dengue immunization na dating isinagawa ng gobyerno.
Maliban sa bakuna, sinabi ni Duque na mainam na paabutin ng 20-segundo ang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa pagkakaroon nito.
"You can sing 'Happy Birthday' while you're washing your hands, both back and palm of your hands, as well as the digits, to ensure this way that the virus will be unable to cause disease," dagdag pa ng kalihim. — may mga ulat mula kay Sheila Crisostomo at The STAR
- Latest